酷博平台

    <form id="nxxjp"></form>
<sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></var></sub>

<sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></var></sub>
    <sub id="nxxjp"></sub>

      <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"></dfn></address>

      <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></dfn></address>
        <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></dfn></address>

        <address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>

        <sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></dfn></sub>
        <address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>
        <sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></var></sub>

        <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"></dfn></address><sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></dfn></sub>

        <sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></dfn></sub>

        <sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"></dfn></sub>

        <sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></var></sub>
        <thead id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ruby id="nxxjp"></ruby></var></thead>
        <address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>

        <form id="nxxjp"></form><address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>

          Katutubo Exchange: Hinikayat ang mga Pinoy sa Beijing na maging Pinuno ng Pamana

          2019-05-30 16:49:54

          Bilang pagdiriwang sa National Heritage Month, idinaos Mayo 8, 2019 sa Sentro Rizal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang kalahating araw na seminar workshop hinggil sa kulturang Pinoy. Pinangunahan ito ng grupong Katutubo Exchange Philippines.

          Si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana

          Si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana

          Sa kanyang pambungad na mensahe, ibinahagi ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ang tema ng pagdiriwang na "Mga Pinuno para sa Pamana." Aniya, hinihimok nito ang bawa't isa na maging tagapagdala ng banners o watawat ng makulay at makabuluhang identidad ng Pilipino, at maging sugo ng kalinangan sa mga kaibigang Tsino at sa buong mundo. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagbubukas ng puso at isipan sa ibang kalinangan o kultura, maaaring maisulong ang mas malalim na pag-uunawaan at mas matatag na pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan. Umaasa aniya siyang sa tulong ng workshop ay lubos na matututo, masisiyahan, magbabahagi at palalaganapin ng mga dumalo ang mga ibinahagi ng Katutubo Exchange hinggil sa Pilipinas at ang mayamang kalinangan nito.

          Katutubo Exchange Philippines

          Katutubo Exchange Philippines

          Isang araw lang mamamalagi sa Beijing ang grupong binubuo ng mga Ibaloi ng Cordillera at Maguindanaoan sa Cotabato. Bagamat hapit sa oras, ipinahayag ni Dr. Edwin Antonio, Pangulo ng Katutubo Exchange Philippines ang lubos na kasiyahan sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Beijing sa mga kasamang cultural workers. Itinatag ang grupo noong 2013 at naghahangad itong maipalaganap ang katutubong kultura at tradisyonal na sining. Natunghayan sa workshop ang Kulintang performance, sayaw Ibaloi na Sarong, Tayaw at Binokawan, katutubong laro at mga tradisyonal na kasuotan ng iba't ibang indigenous groups sa Pilipinas. Kuwento ni Dr. Antonio, ayon sa United Nations ang 2019 ay International Year of the Indigenous Languages, kaya mahalagang bahagi ng seminar ang pagtuturo kung paano sasabihin ang Mahal Kita sa iba't ibang wika ng mga katutubo. Kinagiliwan din ng marami ang pag-aaral ng Baybayin, na tinukoy ni Dr. Antonio bilang sariling yaman ng mga Pilipino. Panawagan niya sa mga kababayang nasa Tsina, "Sa lahat ng pagkakataon dapat itayo natin ang ating bandera bilang mga Pilipino. Kahit saang lupalop tayo mapadpad dapat dala natin ang pusong Pinoy, marunong magpalaganap ng ating kultura. Ito'y dapat i-share natin sa ibang nationalities kasi ang yaman-yaman po natin. Sana ay magkaisa tayo na ipalaganap ang ating kultura, huwag ikahiya, gamitin palagi ang ating lengguwahe kahit nandito po tayo sa China."

          Si Dr. Edwin Antonio habang ipinapakilala ang mga katutubong kasuotang Pinoy

          Si Dr. Edwin Antonio habang ipinapakilala ang mga katutubong kasuotang Pinoy

          Masaya si Linda Yan, Philippine Studies major sa Beijing Foreign Studies University na makasama sa workshop na nagbigay sa kanya ng kaalaman hinggil sa kamalayan at kaugalian ng mga Pilipino. Gusto pa niyang mag-aral ng iba't ibang wika ng mga Pilipino.

          Si Linda Yan (kaliwa) at si Tina Xu (gitna)

          Si Linda Yan (kaliwa) at si Tina Xu (gitna)

          Samantala, ang kaklase na si Tina Xu ay nagsabi namang mahalaga at marangal ang trabaho ng Katutubo Exchange Philippines. Nais niyang pasalamatan ng mga artista o cultural workers dahil mahusay sila. Kahit hindi pa nararating ang bayan nila, kinagiliwan niya ang kanilang kultura. Pakiwari ni Tina, maganda ang hitsura ng baybayin kaya nais pa niyang mas malalim na pag-aralan ito lalo't nanghihinayang siyang hindi na ito ginagamit ngayon.

          Ang buong pahayag ng mga kinapanayam ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

          Balita:
          Tsina ASEAN Daigdig Litrato
          Ugnayang Pinoy:
          Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
          Tsina sa Aming Mata:
          Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
          Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
          Pag-aaral ng Wikang Tsino:
          Pag-aaral ng Wikang Tsino

            <form id="nxxjp"></form>
          <sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></var></sub>

          <sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></var></sub>
            <sub id="nxxjp"></sub>

              <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"></dfn></address>

              <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></dfn></address>
                <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></dfn></address>

                <address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>

                <sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></dfn></sub>
                <address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>
                <sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></var></sub>

                <address id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"></dfn></address><sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><mark id="nxxjp"></mark></dfn></sub>

                <sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></dfn></sub>

                <sub id="nxxjp"><dfn id="nxxjp"></dfn></sub>

                <sub id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ins id="nxxjp"></ins></var></sub>
                <thead id="nxxjp"><var id="nxxjp"><ruby id="nxxjp"></ruby></var></thead>
                <address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>

                <form id="nxxjp"></form><address id="nxxjp"><listing id="nxxjp"></listing></address>

                  澳门葡京赌场鸡

                  用户登录乐购100彩票

                  万博体育客户端

                  mc彩票网站登陆

                  皇冠比分网

                  大红鹰国际

                  缅甸维加斯国际

                  福彩app客户端下载

                  yzc888